Manila, Philippines – Nagpalabas na ng artist sketch ang MPD patungkol sa suspek na nasa likod ng pananambang at pagkapaslang kay Jail Inspector George Delfin kahapon ng umaga sa Sta. Ana, Maynila.
Ayon kay Senior Inspector Rommel Anicete, ang pinuno ng MPD homicide section, tatlong saksi ang nagbigay ng paglalarawan sa hitsura ng isa sa mga suspek na tinawag na composite sketch.
Sa salaysay ng witness sa pulis, nakasuot ng helmet ang suspek ngunit may pagkakataon na itinaas niya ang pinaka-cover ng helmet kaya nakita ang mukha nito.
Paliwanag ni Anicete na hindi pa mailalabas ang pagkakakilanlan sa suspek dahil mayroon pang serye ng follow up investigation and operation ang pulisya.
Sa record ng MPD, nakaabang ang suspek sa sagrado pamilya, ilang minute bago dumaan ang kulay pulang adventure na Minamaneho ni Delfin, galing sa trabaho at papauwi na sa kanyang bahay sa Sta. Ana nang ratratin ng suspek.
Nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa ulo, katawan, kanang braso at binti ang biktima na kanyang ikinamatay.