PDAF SCAM | Pera na pinadala sa US Accounts ni Napoles, matatagalan pa bago maibalik sa Pilipinas

Tiniyak ng Department of Justice na maibabalik sa kaban ng bayan ang pera mula sa pdaf scam na ipinadala sa US bank accounts ni Janet Lim Napoles.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, mangyayari ito kapag nanalo sa kaso ang prosekusyon ng US at mahahatulan sa US court si Napoles sa mga kaso nitong fraud at money laundering doon.

Dagdag ni Secretary Guevarra, may hiwalay na civil forfeiture case laban kay Napoles sa US para mabawi ang mga ari-arian nito sa Amerika para sa 20 million dollar money laundering case nito.


Ayon pa kay Guevarra, Kapag nahatulan si Napoles sa Amerika ay saka pa lang uusad ang pag-uusap ng pamahalaan ng Pilipinas at US para maibabalik ang mga ari-arian ni Napoles o ang katumbas na halaga nito.

Facebook Comments