Inilabas na ng DOH ang price range para sa COVID-19 RT-PCR Test

72

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mayroon na silang pinirmahan ng Department of Trade and Industry (DTI) hinggil sa price cap ng COVID-19 test.

Aniya, magiging epektibo na ang kautusan o ang price range kapag naisapubliko na o nai-publish sa mga pahayagan.


Nabatid na nasa P4,500 hanggang P5,000 ang presyo sa mga pribadong pasilidad habang sa public facilities ay umaabot sa P3,800.

Una nang humiling ang DOH kay Pangulong Rodrigo Duterte na maglabas ng EO para sa price range sa swab test para sa COVID-19 dahil paiba-iba ang presyo nito sa mga clinic, hospital at laboratoryo na nagsasagawa ng pagsusuri.

Facebook Comments