Inilabas na ng Supreme Court Public Information Office ang pinal na listahan ng mga mamamahayag na pinayagan na mag-cover sa promulgasyon

Kabuuang pitumput-anim na media men at crew ang binigyan ng akreditasyon na makapasok sa loob ng camp bagong diwa at Metro Manila District Jail Annex 2.

Ang mga nasabing accredited media ay pupwesto sa itinalagang media working area sa loob ng BJMP.

Kabilang sa mga pinahintulutan na magcover sa Ampatuan Massacre Case Ruling si PCOO Secretary Martin Andanar, Presidential Task Force on Media Security Executive Secretary Joel Egco at ilang miyembro ng National Press Club at Foreign Correspondents Association of The Philippines.


May hiwalay din na miyembro ng media at mga crew na pinayagan na makapasok sa compound ng camp bagong diwa pero hindi na sa media room sa BJMP.

Muling pinaalala ng Sc Pio sa mga accredited media na bawal mag-dala ng video cameras sa loob ng BJMP.

Gayunman pinahintulutan ang pagdadala ng mga smart phones, chargers, laptops, at live u unit.

Facebook Comments