Record high para sa Department of Budget ang Management (DBM) ang ₱453.11-billion na pondo para sa climate change adaptation and mitigation na inilaan para sa susunod na taon.
Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, ngayong taon kasi mayroon lamang ₱289.73-billion ang inilaan para dito ng nakaraang administrasyon.
Aabot aniya sa 56.4% ang itinaas na pondong inilaan dito sa Fiscal Year 2023 National Expenditure Program.
Lumalabas sa Climate Change Expenditure Tagging na prayoridad ng gobyerno ang water sufficiency projects, sustainable energy and food security.
Maging ang pagpopondo sa mga major programs gaya ng Flood Management Program ng Department of Public Works and Highways (DPWH), pagpapagawa at rehabilitation ng flood-mitigation structures at drainage systems nationwide.
Sinabi ni Secretary Pangandaman na sa pamamagitan ng patuloy na pagtulong ng mga implementing agencies at mga Pilipino ay makakamit ng bansa ang mas ligtas at sustainable na hinaharap.