Kinuwestyon ni House Deputy Speaker Lito Atienza ang inilabas na political surveys ng independent group na OCTA Research.
Ayon kay Atienza, walang basehan ang OCTA sa mga inilalabas nitong datos.
Hindi rin dapat itong mangialam sa politika kung medikal ang larangang kinabibilangan nito.
Agad namang dumepensa si OCTA Research fellow Dr. Guido David tungkol sa kanilang pagtatayang ginagawa sa kaso ng COVID.
Giit ni David, may 100% porsyentong accurate ang kanilang mga datos at kung magkakamali ay nasa 5% lamang ito.
Sinuportahan naman ni Professor Ranjit Rye ang mga pahayag at nilinaw na wala sa kamay ng OCTA Research ang pagpapatupad ng lockdown dahil desisyon pa rin ito ng gobyerno.
Facebook Comments