Daily COVID-19 deaths nitong Agosto, umabot sa 131 – DOH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng average ng 131 COVID-19 deaths kada araw nitong Agosto.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, malapit na ito sa naitalang 135 pagkasawi sa surge din ng mga kaso noong Abril.

Nananatili namang mataas ang bilang ng mga namamatay sa bansa magmula ang huling linggo ng Agosto at inaasahang tataas pa sa mga susunod na araw.


Nitong September 1 hanggang 5, average na 40 deaths kada araw ang naitala ng DOH.

Patuloy namang binabantayan ng DOH ang National Capital Region (NCR), Region 1, 3, 4A, 7, 10 at 12 na nakapagtala ng mataas na bilang ng mga namamatay nitong unang linggo ng Setyembre.

Facebook Comments