Batumi, Georgia – Inilampaso nina woman international masters Shania Mae Mendoza at Bernadette Galas ang kanilang mga katunggali para buhatin ang Pilipinas sa 2-2 draw kontra sa England sa 5th round ng 43rd World Chess Olympiad sa Batumi, Georgia.
Pinadapa ni Mendoza, na siyang reigning national women’s champion at sports recreational management major sa Far Eastern University, si Fide Master Louise head sa 35 Moves of Semi-Slav Botvinnik Variation.
Hindi naman nagpahuli si Galas, ang 2017 National Women’s Champion at De La Salle University standout, nang talunin naman nito si Fide Master Sue Maroroa sa 43 moves ng English Opening.
Ang panalo nina Mendoza at Galas ang sumalo sa pagkatalo naman nina WGM Janelle Mae Frayna and Wim Catherine Secopito sa top boards.
Sumulo si Frayna kay WGM Jovanka Houska habang nabigo rin si Secopito kay Fide Master Akshaya Kalaiyalahan sa 65 moves of Fianchetto King’s Indian Defense.
Makakaharap ng mga Pinay chesser ang Spain sa susunod na round.