INILATAG | COMELEC, naglabas na ng mga panuntunan sa mga pagbabawal sa 2019 mid-term elections

Manila, Philippines – Inilatag na ng COMELEC ang panuntunan nito sa mga pagbabawal sa panahon ng kampanya para sa 2019 Elections.

Batay sa COMELEC resolution 10429 na may Petsang October 1, 2018, magsisimula ang election period sa January 13, 2019 hanggang June 12, 2019 at gagawin ang Halalan sa May 13 , 2019.

Iniurong ng Comelec ang paghahain ng Certificates of Candidacy o COC sa October 11-12 at October 15-17, 2018 mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.


Sa panahong ito rin isasagawa ang paghahain ng certificate of nomination at certificate of acceptance para sa mga partylist groups.

Magsisimula ang campaign period para sa mga kakandidato ng Senador at Partylist groups sa February 12, 2019 hanggang May 1, 2019.

Pero, bawal ang pangangampanya sa March 28, 2019 dahil ito ay Huwebes Santos at sa March 29, 2019 na natapat na Biyernes Santo.

Sisimulan naman sa March 30, 2019 hanggang May 11, 2019 ang kampanya ng mga kandidato sa pagka-Kongresista, Governor, Mayor at iba pang posisyon sa lokal na pamahalaan.

Bawal na ang kampanya sa May 12 at 13, 2019 kasabay ng pagpapatupad ng liquor ban.

Mahigpit ding ipatutupad ang gun ban sa kabuuan ng election period.

Ayon sa COMELEC, papayagan lamang ang substitution ng ng kandidato Simula November 30, 2018 hanggang sa tanghali ng mismong halalan.

Samantala, itinakda naman ng COMELEC ang deadline sa paghahain ng mga kandidato ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures o SOCE sa June 12, 2019.

Facebook Comments