Manila, Philippines – Inilatag ni Chief Justice Lucas Bersamin ang tatlo sa kanyang mga pangunahing prayoridad sa labing-isang buwang panunungkulan bilang punong mahistrado.
Sakanyang talumpati sa kulminasyon ng proyektong JUSTICE o Judicial Strenthening To Improve Court Effectiveness project, una sa listahan ni Bersamin ang pagrebisa sa rules of court para makasabay sa teknolohiya at mapabilis ang pagbibigay ng hustisya lalo na sa mga mahihirap.
Si Justice Diosdado Peralta ang itinalaga ni Bersamin na maging working chairman ng Supreme Court rules committee.
Pangalawang proyekto ni Bersamin ang pagkuha sa tulong ng mga law school at law students sa buong bansa para tulungan ang mga mahihirap na mabigyan ng legal services.
pangatlo ang pagtulong sa mga lower court partikular sa pagkakaroon ng mga karagdagang gusali at mga makabagong kagamitan.