Inilatag na guidelines ng DOH para sa mass testing, inaprubahan na ng IATF

74

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagsasagawa ng mass testing para sa COVID-19.

Sa press briefing, sinabi ni Cabinet Secretary at IATF Spokesperson Karlo Nograles na inaprubahan ng IATF ang inilatag na guidelines ng Department of Health (DOH)  para makapagsagawa na ng mass testing.


Ayon kay Nograles, bahagi ito ng hakbang ng pamahalaan para maitaas ang COVID-19 testing capacity sa bansa.

Nakatakdang isagawa ng pamahalaan ang mass testing sa susunod na linggo, April 14, 2020.

Sa ngayon ay nasa 22,958 katao na ang na-test ng doh kung saan 16,615 o 82.7% nito ang nag-negatibo habang 3,414 o 16.9% ang positive sa COVID-19.

Facebook Comments