Lalaking tumangging itigil ang birthday party sa kabila ng quarantine sa US, hinuli

650

Arestado ang isang lalaking nagmatigas na umalis sa birthday party sa Tennessee, United States noong Sabado, sa kabila ng umiiral na quarantine kontra COVID-19 pandemic.

Dinakip ang kinilalang si Jeremial Lee, 28, matapos din umano nitong pagbataan ang mga nanitang pulis, ayon sa ulat ng WMC.


Batay sa awtoridad, malaking pagtitipon ang dinatnan nila nang rumesponde sila sa tawag na mayroong narinig na putok ng baril sa Memphis.

Agad pinauwi ng pulisya ang mga bisita dahil sa ipinatutupad na social distancing, ngunit tumangging sumunod ang mga ito.

Dito na nagalit si Lee at pinagbantaan ang mga pulis dahilan para arestuhin siya.

Nadiskubre rin ng awtoridad ang isang baril sa bewang ng lalaki at marijuana sa kanyang bulsa.

Nahaharap si Lee sa paglabag sa stay-at-home order sa Tennessee, pagdadala ng baril nang walang permit at kasong may kaugnayan sa droga.


Facebook Comments