Inilatag na mahigpit na seguridad para sa pagdiriwang ng araw kalayaan bukas kasado na

Nakahanda na ang Philippine National Police sa pagbibigay ng mahigpit na seguridad para sa selebrasyon ng ika 121st  Independe day celebration bukas.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col Bernard Banac iniutos na ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde ang pagdedeploy ng mga tauhan sa mga lugar kung saan inaasahan ang mga magsasagawa ng rally.

Idedeploy ng PNP partikular ang kanilang Civil Disturbance Management Unit para mapanatiling payapa ang mga rally.


Bukod sa mga rally babantayan rin ng PNP ang iba pang aktibidad gaya ng gagawing mga concert may kaugnayan sa araw ng kalayaan, job fair at sabay sabay na flag raising nationwide.

Hanggang ngayon wala namang natatanggap na anumang banta sa seguridad ang PNP.

Kaya ayon kay Banac hinihikayat nya ang publiko na makilahok sa independence day celebration.

Facebook Comments