Inilathalang artikulo ng Forbes kontra Duterte Administration, binuweltahan ng Palasyo

Hindi pinalampas ng Malacañang ang inilathalang artikulo ng Forbes na nagmamaliit sa mga programa at mga nagawa na ng Duterte Administration.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na malisyoso, poorly researched at wala sa lugar ang mga komentaryo.

Nabatid na isang Panos Mourdoukoutas ang sumulat ng nabanggit na artikulo.


Binigyang diin ni Andanar na kabaligtaran ang inilathalang artikulo ng Forbes dahil ang katotohanan ay ang ipinakitang political will ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra illegal drugs, kriminalidad at korapsiyon.

Kasunod nito, inisa-isa pa ni Andanar ang improvement ng Pilipinas sa World Bank 2020 Ease of Doing Business matapos na masungkit ang 95th place; pumangatlo sa CEO World 2019 Countries Best to Invest and Do Business; pagbaba sa 4.5% ng Unemployment Rate noong December 2019, pinakamababa simula noong 2005; at ang pag-ahon sa kahirapan ng nasa 5.9 million Filipinos mula sa kahirapan na maituturing na 14-year low record.

Facebook Comments