Lalaki, arestado matapos magtangkang sumakay ng nakahubad sa isang school bus

200

ARKANSAS, USA – Hinuli ang isang lalaki matapos umano itong magtangkang sumakay habang nakahubad sa isang school bus na may mga sakay na estudyante.

Nitong Huwebes, Enero 23, sinubukan daw pasukin ng suspek na si Brandon Stegman ang naturang sasakyan ngunit napigilan ng hindi kinilalang bystander.


Ayon sa ulat, pinuwersa raw buksan ng lalaki ang pinto ng bus ngunit hindi nagtagumpay dahil sinipa ng bystander ang daliri nito.

Agad na nakapagresponde ang mga pulis kung saan naabutan nila ang suspek na pabalik-balik sa pagtakbo saka humihila pa raw ng sanga ng puno.

Hinampas din umano ng stick ni Stegman ang sasakyan ng pulisya nang may isang lumabas mula rito.

Maya-maya pa ay pinadapa ng awtoridad ang suspek at dito na siya tuluyang inaresto.

Sa karagdagang ulat, narekober ang mga damit kasama ang dalawang aso ni Stegman na natagpuan sa isang malapit na hotel.

Nakitaan din dito ang plastic bag na naglalaman ng hinihinalang marijuana pati iba pang uri ng droga.

Humaharap sa kasong disorderly conduct, possession of marijuana, at criminal trespass ang suspek.

Nakaplano namang dumalo sa korte si Stegman sa darating na Marso.

Facebook Comments
From Advertisers