Tinanggal na bilang Chief of police ng Ozamis City si Police Chief Inspector Jovie Espenido.
Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Oscar Albayalde.
Aniya epektibo nitong October 11 ay inilipat na sa Catanduanes sa Bicol Region si Espenido.
Paliwanag ni Albayalde bahagi ng police career ni Espenido ang paglilipat sa kanya sa Bicol Region.
Sa ngayon aniya ay naghihintay na lamang ito ng kanyang promotion para sa ranggong police superintendent.
Nilinaw ni Albayalde na isa lamang si Espenido sa masisipag na pulis na talagang nagtatrabaho kaya hangga’t wala itong nilalabag sa batas ay walang problema sa police official.
Si Espenido ay kilalang matinik sa paglaban sa mga drug lord sa Ozamis City kung saan ang grupo nito ang nag-operate sa pamilya Parojinog sa lungsod na umano ay sangkot sa transaksyon ng iligal na droga.