HIGPIT SEGURIDAD | Chief Dela Rosa mabibigyan ng 2 police escort

Magkakaroon ng dalawang police escort si dating PNP Chief Retired Director General Ronald Dela Rosa.

Ito ang tiniyak ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde matapos na maghain ito ng certificate of candidacy (COC) para tumakbo sa pagka-senador sa susunod na taon.

Ayon kay Albayalde noon pa man ay mataas na ang banta sa buhay ni Dela Rosa dahil sa mga nasagasaan nitong mga drug lord pero kinakailangan pa rin ng dating PNP Chief na magsumite ng mga requirements para sa pagbibigay ng police escort.


Bukod sa dalawang police escort may nakatalaga pang police security kay Dela Rosa bilang dating PNP Chief.

Sinabi ni Albayalde na batay sa policy ng PNP maaring magkaroon ng police escort ang lahat ng nagreretirong Police General.

Dagdag pa ni Abayalde may karapatan din si Dela Rosa na mag-hire ng mga protective agent ngunit manggagaling sa kanyang bulsa ang pampa sweldo sa mga ito.

Facebook Comments