ININSPEKSYON | Ilang police station sa Region 8, isinailalim sa surprise inspection

Manila, Philippines – Nagsagawa ng surprise inspection sa ilang polcie station si PNP Region 8 regional director Police Chief Supt Dionardo Carlos.

Kahapon isinagawa ni Carlosa ang biglaang inspection sa Baybay Leyte Police Station, Albuera leyte Police Station,Ormoc City police office at Santa Fe Police Station.

Sa inspeksyon unang tiningnan ni Carlos ang Camp Defense plan ng nasabing mga police station at nagsagawa rin ng Physical accounting.


Inalam rin ng Regional Director ang kakulangan ng kagamitan sa bawat stations.

Ginawa ni General Carlos ang surprise inspection upang mtiyak na handa ang kanyang mga tauhang nakatalaga sa mga police station sa mga hindi inaasahang sitwasyon.

Kasunod ito ng ginawang pagsalakay ng nasa 100 miyembro ng New Peoples Army sa Lapinig Police Police Station na sakop ng region 8 kung saan natangay ang ilang high powered firearms at iba pang mga mahahalagang gamit ng Police station.

Facebook Comments