NAGPASALAMAT | Serbisyo ni Liza Maza sa pamahalaan, pinasalamatan ng Palasyo

Manila, Philippines – Nagpasalamat nalang ng Palasyo ng MalacaƱang ang nagresign na si Secretary Liza Maza sa serbisyo nito sa Administrasyong Duterte sa nakalipas na 2 taon.

Sa Press Briefing ni Maza kanina ay sinabi nito na ang dahilan ng kanyang pagbibitiw ay ang pahayag ng Pangulo na talagang puputulin na nito ang pakikipagusap sa Communist Party of the Philippines New Peoples Army National Democratic Front o CPP-NPA-NDF at ang binuhay na murder case kaban sa kanya at itinuturing niyang panghaharas.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, nanghihinayang naman aniya ang Malacanang sa desisyon ni Maza na lumisan sa Gobyerno.


Pero sinabi din naman ni Roque na pinaninindigan ng Administrasyon ang mga konditsyon nito para magpatuloy ang peace talks sa mga rebelde at ito ang isagawa ang peace talks sa pilipinas, itigil ang paniningil ng revolutionary tax at pagkakaroon ng cease fire pero magpapatuloy parin naman ang usapan sa localized peace talks.

Sa ngayon naman aniya ay wala pang napipisil na papalit kay Maza sa posisyon pero marami naman aniya siguradong pipila para mag-apply para punan ang nabakanteng posisyon.

Facebook Comments