INIREKOMENDA | Kapangyarihang magpasara ng social media accounts, dapat ibigay sa DICT – NICA

Manila, Philippines – Inirekomenda ng National Intelligence Coordinating Agency o NICA na bigyan ng kapangyarihan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na mag-take down o magpasara ng social media accounts na mapatutunayang banta sa national interest.

Ginawa ang mungkahi sa gitna ng pagdinig ng Senado sa pag-amyenda ng anti-terrorism law.

Ayon kay Atty. Roberto Lapuz, Chief of Directorial Staff ng NICA, ibinatay nila ang rekomendasyon sa ibang bansa gaya ng India.


Aniya, tulad ng India marami roong gumagamit ng internet kaya lalo dapat protektahan ang national security.

Sabi naman ni Atty. Marwil Llasos, anti-terrorism program coordinator ng UP Institute of International Legal Studies, pwede itong gawin ng gobyerno dahil pasok ito sa police power ng pamahalaan.

Tiniyak naman nina Senate Committee on Public Order Chair Senator Panfilo Ping Lacson at Committee on National Defense Chair Senator Honasan na pag-aaralan nila ang mungkahi ng NICA.

Facebook Comments