INIREKOMENDA | Mga de boteng produkto, pinatatanggalan ng taripa

Manila, Philippines – Inirekomenda ni House Committee on Banks and Financial Intermediaries Chairman Henry Ong na alisan ng taripa ang mga produktong nakalagay sa “glass bottles”.

Iminungkahi ni Ong sa NEDA, DOF, at DTI na gawing zero ang tariff sa mga inaangkat na glass bottles, glass products, at mga raw materials sa paggawa ng glass bottles.

Layunin ng suhestyon ni Ong na bigyang solusyon ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.


Sakaling maging zero ang tariff sa mga glass bottles, malaki ang ibababa sa presyo ng mga de-boteng produkto tulad ng toyo, suka, patis, sardinas, juice, gatas, kape, mantika, ketchup, sauce at iba pa.

Makakabawas din ito sa paggamit ng lalagyang plastic na nakakasira sa kapaligiran dahil lilipat ang mga food at beverage manufacturers sa paggamit ng glass bottles.

Facebook Comments