INIREKOMENDA | PNP, pinakukuha ng dagdag na non-uniformed personnel para sa maintenance ng mga patrol vehicles

Manila, Philippines – Inirekomenda ni House Majority Leader Rolando Andaya sa PNP ang pagkuha ng mga driver mechanics na magme-maintain sa mga police patrol cars.

Ayon kay Andaya, mahalaga ang pagkakaroon ng well-maintained vehicles ng PNP para makapagsagawa ng foot and mobile patrols at makapagresponde agad sa loob ng 15 minuto tuwing may emergency o distress call.

Paliwanag pa ng mambabatas, abala sa ibang mga bagay ang mga pulis kaya dapat lamang kumuha ng mas maraming non-uniformed personnel o NUPs na tutok sa maintenance ng mga patrol vehicles.


Nais ng mambabatas na mawala na ang perception ng mga tao na mabilis malaspag at masira ang mga sasakyang binibili o idino-donate ng PNP.

Ang mga iha-hire na driver-mechanics ng PNP ay hindi lamang dapat marunong magmaneho kundi marunong din sa maintenance at trouble-shooting.

Batay sa tala ng PNP, mayroong 11,678 NUPs sa PNP kumpara sa mataas na bilang ng uniformed personnel 181,020.

Facebook Comments