INIREKOMENDA | Supreme Court Associate Justice Teresita De Castro, inirekomenda para sa posisyon sa Ombudsman

568

Manila, Philippines – Inirekomenda ni Retired Supreme Court Justice Arturo Brion si Associate Justice Teresita De Castro sa posisyon ng Ombudsman.

Ang kanyang nominasyon ay ipina-abot mismo ni Brion sa Judicial and Bar Council.

Si De Castro ay nahirang sa Korte Suprema noong Dec. 4,2007.

Siya ay nakatakdang magretiro sa Oktubre a otso ng taong ito matapos ang apatnaput limang taong serbisyo sa gobyerno.

Bukod sa Supreme Court, si De Castro ay nagtrabaho rin sa Department of Justice bilang Assistant Chief State Counsel at naging Presiding Justice ng Sandiganbayan.

Facebook Comments