NAABO | 10 sugatan kabilang ang 2 bata sa sunog sa Cebu City

Cebu – Dalawang batang magkapatid ang namatay habang sampu naman ang nasugatan at nagtamo ng paso sa kanilang katawan sa nangyaring sunog bago mag-alas says kaninang umaga sa Barangay Ermita sa lungsod ng Cebu.

Ang magkapatid na kasamang nasunog sa kanilang bahay ay sina Jovelyn at John Mark Digman habang kabilang naman sa mga nasugatan ang kanilang mga magulang na sina Ida at Joel Digman .

Pinaghihinalaang unang nasunog ang bahay ng pamilyang Digman at mabilis na kumalat sa kanilang mga kapitbahay .


Umabot naman sa 90 mga bahay na gawa sa light materials ang naabo dahil sa sunog umabot sa Task Force Bravo.

Tinatayang P1.5 milyon ang danyos sa sunog

Facebook Comments