Inirekomenda ni Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento sa PNP at AFP ang pagtatatag ng Task Force na siyang tututol sa crackdown laban sa mga private armed groups at hired killers.
Ito ay dahil na rin sa sunud-sunod na pagpatay sa ilang mga lokal na opisyal sa bansa.
Giit ni Sarmiento, dapat na maging maagap ang mga otoridad dahil tiyak na darami ang mga pupuntiryahing lokal na opisyal habang papalapit ang filing ng certificate of candidacy sa Oktubre.
Paliwanag ni Sarmiento, kung may national task force na nakatuon lamang sa pagbuwag ng private armed groups at hired killers ay mas malaki ang tsansa na ma-neutralize ang ganitong mga grupo.
Iminungkahi pa ng mambabatas na unahin ng national task force ang mga lugar na tradisyunal na magulo o mainit tuwing panahon ng eleksyon.
Babala nito, kung hindi pa kikilos ngayon ay tiyak na magiging madugo nanaman ang 2019 elections dahil sa presensya ng mga political warlords.