Inirekomendang parusang suspensyon sa pulis na nakapatay sa binatilyong may autism sa Valenzuela, sinusuri pa ng PNP

Sinusuri pa ng tanggapan ng Philippine National Police (PNP) Directorate for Personnel and Records Management (DPRM), partikular ang kanilang Discipline Law and Order Division (DLOD), ang kaso ng pulis na si Police Senior Master Sergeant Christopher Salcedo na nakapatay sa binatilyong may autism sa Valenzuela City.

Ito ay matapos na maglabas ng sama ng loob ang pamilya ng biktimang si Erwin Arnigo dahil sa parusang ipinataw ng PNP Interal Affairs Service (PNP-IAS) sa pulis.

Inirekomenda ng PNP-IAS ang parusang 40-araw lamang na suspensyon sa nasabing suspek.


Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, naiintindihan niya ang sama ng loob ng pamilya ni Arnigo ngunit kanyang nilinaw na sinusuri pa ng PNP-DPRM ang kaso at pagkatapos nito ay daraan pa sa PNP Office of the Chief.

Matatandaang napatay ng pulis si Arnigo noong Mayo 23, matapos umanong mang-agaw ito ng baril ng pulis habang nakikipagtalo sa mga pulis sa nangyayaring tupada sa Valenzuela City.

Ayon naman sa pamilya ng biktima, hindi ito magagawa ni Erwin Arnigo subalit takot ito sa mga police officer.

Facebook Comments