INIREREKLAMONG BABUYAN SA SINIPPIL, INAKSYUNAN NA

CAUAYAN CITY- Naibaon na sa lupa ang mga namatay na baboy na nakatiwangwang at umaalingasaw mula sa isang piggery sa Purok 1 Brgy. Sinippil, Cauayan City, Isabela

Sa panayam ng IFM News Team POSD Chief Pilarito Mallillin, base sa pagsisiyasat ng kanilang hanay kasama ang City Veterinary Office at LGU, namatay ang mga baboy dahil hindi kinaya ng mga ito ang init dahil sa sunud-sunod na pagkaranas ng brown out kung saan nasa tatlong araw na walang aircon sa nasabing piggery kung kaya’t namatay ang mga ito.

Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Michael Bite, nagtungo ang hanay ng POSD Cauayan sa nasabing piggery kung saan tuluyan nang ibinaon ang mga baboy na ito upang hindi na umalingasaw at magdala ng perwisyo sa mga residente.


Aniya, nasa sampung baboy ang sabay-sabay na namatay sa nasabing piggery.

Sa kasalukuyan, napanatag na ang kalooban ng ilang residente dahil nabigyang solusyon na ang kanilang hinaing.

Facebook Comments