Inisyal na halaga ng pinsala sa sektor ng agrikuktura dahil kay Bagyong Paeng, naitala nasa ₱2.42-M ayon sa DA

May inisyal ng ulat sa halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa epekto ng Bagyong Paeng.

Base sa ulat ng Department of Agriculture-Disaster Risk Reduction Management (DA-DRRM) Operations Center, nasa ₱2.42 million ang naitalang pinsala ng bagyo.

Ito ay batay sa pumasok na report mula sa Negros Occidental.


Abot sa 173 na magsasaka ang apektado kung saan nasa 252 ektarya na pananim na palay ang nasira.

Nasa 87 metric tons naman ang nasirang produksyon ng palay.

Asahang tataas pa ang halaga ng pinsala bunsod pa rin ng patuloy na pananalasa ng Bagyong Paeng.

Facebook Comments