Isang barko, sumadsad malapit sa baybayin ng Bohol

Sumadsad malapit sa baybayin ng Jagna Port sa Bohol ang MV Lite Ferry 1.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nasa maayos na kondisyon ang 23 crew members ng naturang barko.

Bukod sa pagsadsad ay wala naman malubhang pinsala na tinamo ang MV Lite Ferry 1.


Base sa report ng PCG, dahil sa masamang lagay ng panahon ay nagpasyang magmaniobra ang barko upang maglaglag ng angkla pero ito ay nabahura.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng PCG Station Eastern Bohol sa kapitan ng barko na si Captain Felix Diola upang matiyak ang maayos nilang sitwasyon.

Facebook Comments