Inisyal na pagpapalabas ng mga bagong plaka para sa motorsiklo, isasagawa bukas ng LTO

Bukas ay inisyal nang maipapamahagi ng Land Transportation Office (LTO) ang bagong disenyo ng license number plates para sa mga motorsiklo.

Ito’y alinsunod sa ipinatutupad na Republic Act 11235, na mas kilala bilang Motorcycle Anti-Crime Prevention Law.

Gagawin ang launching ng distribusyon ng MC plates sa LTO NCR West Regional Office sa Quezon City na pangungunahan ng LTO-NCR.


Isa sa magiging highlights ng aktibidad ang ceremonial distribution ng license plates sa piling motorcycle dealers at registered owners.

Kumpara sa lumang plaka, mas mababasa na sa malayong distansya ang bagong license plates mula sa harapan, tagiliran at likuran.

Color-coded na rin ito ayon sa pamamaraan na nilikha ng LTO na tumutugma sa kulay sa isang rehiyon.

Nakapaloob sa batas na sinumang indibidwal na mahuling nagmamaneho na walang bagong number plate ay may katapat na pagkabilanggo ng hanggang anim na taon o multa na ₱50,000 hanggang ₱100,000 o pareho.

Facebook Comments