Umabot na sa ₱16.85 milyon ang inisyal na pinsala sa sektor ng agrikultura na dulot ng pagputok ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon.
Batay sa ulat ng Department of Agriculture (DA), lubhang napinsala ng nangyaring pagputok ng Bulkang Bulusan ang mga pananim na palay, gulay, at pangisdaan.
Nasa 389 ektarya ng lupain ang apektado at 695 metric tons ang production loss.
Kabilang sa mga naapektuhang munisipalidad ang Juban, Casiguran, at Irosin sa Sorsogon.
Tiniyak naman ng DA na pagkakalooban ng tulong ang mga apektadong magsasaka at mangingisda gaya ng mga binhi ng palay, mais, at gulay, mga gamot sa hayop, at tulong pinansyal.
Facebook Comments