Sulu – Hindi nagtutugma sa 23 nasawi sa Jolo Sulu twin Bombing ang DNA result ng dalawang pares ng paa na nakita sa pinangyarihan ng pagsabog.
Ito ang inihayag ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde.
Aniya, isang pares ng paa ng babae isang pares ng paa ng lalaki ang unidentified pa.
Nagtugma aniya ang DNA result ng pares ng paa ng babae sa part ng batok na nakuha sa area ng pagsabog.
Sa ngayon ang malinaw ayon kay Albayalde kumpirmadong may dalawang tao ang namatay sa pagsabog nang walang umaako o nagki-claim na pamilya.
Malaki aniya ang posibilidad na ang dalawang ito ay ang sinasabing suicide bomber.
Kinumpirma rin ni Albayalde na tumungo na sa bansa at nakipag ugnayan sa PNP ang Indonesian Police para imbestigahan ang pagsabog.
Inaalam aniya ng mga ito kung talagang mga indonesian ang suicide bomber lalot ayon sa mga testigo isang indonesian ang suspek sa pagpapasabog dahil sa pagsasalita nito.
Dagdag pa ni PNP Chief ang mga indonesian police na tumungo sa bansa ay ang mga pulis na nagsagawa ng imbestigasyon sa naganap na Bali Bombing noong 2002.