MRT 3, nagka-aberya; 450 na pasahero, pinababa

Manila, Philippines – 12:48 kanina nang nagka aberya ang isang tren ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 sa Southbound ng Quezon Avenue station.

Dahil dito, napilitang magbaba ng nasa 450 na pasahero.

Electrical failure sa motor na sanhi ng lumang sub components ng tren ang sanhi ng aberya.


Agad namang nailipat sa sumunod na tren ang mga pasahero pagkalipas ng labing apat na minuto.

Bandang ala-1, nagdeploy ng skipping train ang MRT3 sa nabanggit na station.

Facebook Comments