Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ginaganap na 42nd Association of Southeast Asian Nations o ASEAN summit sa Labuan Bajo Indonesia ang mga inisyatibo ng mga kabataang Pilipino para labanan ang epekto ng climate change, at disaster resiliency.
Sa intervention ng pangulo sa ASEAN Leaders Interface kasama ang mga representative’s ng ASEAN youth, sinabi ng pangulo na ang mga kabataang Pilipino ay forefront o nangunguna sa mga adbokasiya para kahit paanoy mabawasan at ma-adapt ang epekto ng climate change sa Pilipinas.
Punto nang Pangulong Marcos, mas makabubuti kung gagawin din ng mga kabataan sa buong ASEAN ang mga inisyatibong ito ng mga kabataang Pilipino.
Ayon pa sa pangulo isa mga inisyatibong ito ay pangunguna sa deklarasyon ng taunang ASEAN Youth in Climate Action and Disaster Resilience Day na ginagawa tuwing November 25.
Layunin nitong ma-promote ang awareness at upang magkaroon ng positibong aksyon ang mga kabataan sa pagtututok sa epekto ng climate change at disaster risk reduction.
Sinabi ng pangulo simula noong taong 2018, sa tulong mga partners at stakeholders nagagawa ang akibitidad na ito taon taon, kasama ang mga youth leaders mula sa iba’t ibang ASEAN member states.
Malinaw ngayon ayon sa pangulo na ang hinahaharap ng ASEAN ay nakasalalay sa suportang ibibigay sa mga kabataan.
Kaya mahalaga ayon sa presidente na mas ma-empower ang ASEAN youth, para mapanatili ang shared vision na kasaganahan at kapayapaan.