Nagpasalamat ang Malakanyang sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) dahil sa inisyatibo nitong tumulong hinggil sa estado ng human rights sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, malaking tulong ang Resolution No. 45 ng UNHRC na naglalayong magbigay ng technical assistance at capacity building sa usapin ng karapatang pantao sa Pilipinas.
Sinabi ni Roque na tama ang nasabing resolusyon at very much appreciated ito ng pamahalaan.
Naghahanda na rin aniya ang Pilipinas na makipagtulungan sa UNHRC para mapanagot ang mga lumalabag sa karapatang-pantao sa bansa.
Kasabay nito, iginiit rin ni Roque na mas mainam ang ginagawang tulong ngayon ng UNHRC kaysa puro puna at batikos sa administrasyon Duterte.
Facebook Comments