Mag-iina, Minasaker ng Tatlong Kalalakihan sa Cagayan

2522

Cauayan City, Isabela-Walang awang pinagtataga ang mag-anak ng tatlong kalalakihan sa isang kubo pasado alas-4:00 ng madaling araw kahapon, October 7 sa Brgy. Kittag, Sanchez Mira, Cagayan.

Ang mga biktima ay kinabibilangan ng ina ng mga bata na isang 24-anyos, 1-taong gulang na lalaki, at walong taong gulang na anak nitong babae.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, gabi ng October 6 ng magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng 24-anyos na ina at isang lalaki na kumupkop sa mag-iina para tumira sa kanyang bahay.

Agad namang nadakip ang mga suspek na kinabibilangan ng 56-anyos, 32-anyos at 48-anyos na pawang mga lango sa nakalalasing na inumin.

Makikita din sa larawan ang halos humiwalay na ang ulo ng 1-taong gulang na bata habang ang ina nito ay tila mahiwalay ang mga binti sa pagkakataga.

Maswerte namang nakaligtas sa banta ng kamatayan ang isang 12-anyos na lalaki na anak ng biktima matapos maalimpungatan noong mangyari ang kalunos-lunos na sinapit ng kanyang mga mahal sa buhay.

Nabatid na may-asawa ang biktima subalit hindi nila ito kasama ng mangyari ang pagpatay dahil sa nakakulong ito.




Pansamantalang nasa kustodiya ng pulisya ang survivor habang inihahanda ito para ipasakamay sa Social Welfare Office at mabigyan ng kaukulang pag-aalaga sa kabila ng trauma na kanyang sinapit.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong Multiple Murder with Attempted Murder na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.

Facebook Comments