Init sa NAIA, umabot ng 45.1 degrees Celsius

Umabot sa 45.1 degrees Celsius ang temperatura na naitala sa Ninoy Aquino International Airport nitong Linggo, ayon sa Pagasa.

Patuloy na makakaranas ang Metro Manila ng mainit at mahalumigmig na panahon ngayong Lunes ngunit posible ring magkaroon ng pagkulog at pagkidlat sa bandang hapon.

Naitala naman na 42.8 degrees Celsius sa Port Area sa Manila at 41 degrees Celsius sa Science Garden sa Quezon City.


Inaasahan din na aabot ng 42 degrees Celsius sa Tuguerarao City, 41 degrees Celsius in Cabanatuan City sa Nueva Ecija.

Facebook Comments