Pagdalo ni PRRD sa proklamasyon ng mga nanalo sa national positions, pinaghahandaan ng Comelec

Blangko pa ang Comelec kung dadalo ang Pangulong Duterte sa proklamasyon ng mga nanalong senador at party-list.

 

Gayunman, sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na pinaghahandaan nila ang pupuwestuhan ng pangulo at ng kanyang entourage sa venue ng proklamasyon

 

Aniya, ina-asahan na rin nila ang pagdating ng maraming  bisita sa araw ng proklamasyon


 

Tiniyak naman ni Jimenez na hindi magsasapaw ang media sa pagkuha ng larawan at video, sa ina-asahang pagbitbit ng kanya-kanyang photographers ng mga manunumpa lalo na ang party-list na may malaking bilang.

Facebook Comments