Manila, Philippines – Iniutos ng Court of Appeals (CA) na ibalik sa serbisyo ang dalawang opisyal ng Philippne National Police (PNP) na una nang sinibak ng Ombudsman
Bunga ito ng isyu ng maanomalyang kontrata ng PNP sa Werfast Documentation Agency Incorporated para magdeliver ng mga lisensya sa baril.
Matatandaang umani ng kontrobersiya ang kontrata dahil hindi ito dumaan sa public bidding.
Sa nasabing desisyon , kinatigan ng Appelate Court ang petition for review nina Police Superintendent Lenbell Fabia, dating Assistant Chief ng Firearms Licensing Division-Firearms and Explosives Office (FLD-FEO) at Police Chief Inspector Sonia Calixto, dating hepe ng Permits and Other Licenses (POL) Section ng FLD.
Binaligtad ng CA ang June 25, 2015 decision ng Ombudsman na nagsasabing may substantial evidence laban sa dalawa para sa kasong grave abuse of authority , grave misconduct at serious dishonesty.
hindi naman kumbinsido ang CA na nakipagsabwatan ang dalawang opisyal sa iba pang mga respondent sa pagpasok sa kontrata sa Werfast.