Iniutos ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga local chief executives na ipagbawal na ang pagbiyahe sa mga national highways sa Metro Manila at lalawigan ng mga pedicabs at tricycle.
Ayon kay DILG OIC Secretary Eduardo Año, ipapatupad ang ban sa mga pedicab at tricycle sa national highways na dinadaanan ng four-wheel vehicles na higit sa four tons ang bigat at tumatakbo sa normal na bilis na higit 40 kilometers kada oras.
Paliwanag pa ng kalihim, papayagan lamang na makatawid ang mga nabanggit na sasakyan sa main highways kung walang alternative na madadaanan.
Hinimok ni Año ang mga local authorities na mahigpit na ipatupad ang mga guidelines na nakapaloob sa Memorandum Circular 2007-01 na nagbabawal lalo na sa mga tricycle at pedicab operations na hindi akma sa national highways.