INIUTOS | NHA, iniutos ang pag review sa disenyo ng wooden bridge sa Barangay Rio Hondo, Zamboanga city na nag collapsed noong Abril 26

Manila, Philippines – Ipinag utos na ng National Housing Authority ang pag review sa disenyo ng wooden bridge sa barangay Rio Hondo, Zamboanga city na gumuho noong Abril 26.

Kasabay na rin nito ang pagsasaayos at pagbabago ng anyo para agad na magamit ng mga residente sa lugar.

Naniniwala si Nha General Manager Marcelino Escalada Jr. na ang pag collapsed ng wooden bridge ay bunsod ng matagal na pagkababad nito sa init ng araw at tubig dagat.


Sa kaso ng wooden bridge hindi lamang tao ang gumagamit nito kungdi dinadaanan din ng mga tricycle.

Tulad ng ibang tulay, dapat may itinatakdang load limits sa konstruksyon ng tulay na isa ding factor kung bakit nag collapsed ito.

Giit pa ni Escalada, bago iturn over sa local government ng Zamboanga city ang tulay ,titiyakin ng NHA na maayos ang pagkagawa nito at makikipagtulungan sa alkalde ng lungsod para sa operations at maintenance ng housing project sa Rio Hondo, Hongkong At Marikit.

Kaugnay sa nangyaring insedente kung saan bumagsak ang tulay kasama ang ilang local officials at nha personnel, humingi ng “sorry” ang pamunuan ng ahensiya at tiniyak na hindi na ito mauulit.

Facebook Comments