Manila, Philippines – Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng government audit sa performance ng Local Government Units (LGUs) sa paglaban sa ilegal na droga at iba pang krimen.
Babala ng pangulo, kakasuhan nito ang mga local official kabilang ang punong barangay kapag nabigong makapasa sa audit na isasagawa ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Napansin din ni Duterte na maraming local officials ang kampante sa paglaban sa krimen tulad ng illegal na droga at illegal logging sa kanilang nasasakupan.
Pinaalahanan niya ang mga bagong local government officials kabilang ang mga kapitan ng barangay na tiyakin ang kaligtasan ng publiko.
Nanawagan din ang Pangulo ng kooperasyon sa Local Government Units (LGUs) sa kampanya kontra droga at kriminalidad.