NAKIRAMAY | PNP, nagpaabot ng pakikiramay at ayuda sa pamilya ng mga nasawing pulis sa misencounter sa Samar

Manila, Philippines – Nagpaabot na ng pakikiramay ang Philippine National Police (PNP) sa pamilya ng anim na nasawing pulis sa nangyaring misencounter sa Santa Rita, Samar.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, nagbigay na ng 340,000 pesos na initial financial assistance sa pamilya ng mga namatay na pulis.

Ginawaran din ng ‘medalya ng sugatang magiting’ at financial assistance sa siyam na pulis na nasugatan.


Siniguro ni Albayalde na malalaman agad ang pagkukulang pulis o sa panig ng militar lalo at bumuo na ng board of inquiry para imbestigahan ang insidente.

Dagdag pa ni Albayalde, pinaplano na ring i-upgrade ang kanilang communication facilities bilang bahagi ng nagpapatuloy na modernization at capability enhancement plan.

Binigyang diin din ni Albayalde na patuloy ang PNP sa kanilang anti-insurgency campaign.

Facebook Comments