Manila, Philippines – Ipinag-utos ngayon ng Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpatuloy ang laban sa NPA matapos ang banta ni CPP Founder Joma Sison na hindi na sila makikipag-negosasyon sa peace negotiating panel ng gobyerno.
Pero nilinaw ni Pangulong Duterte na hindi kasama ang MILF at MNLF kung saan tanging nakatuon lamang ang mga tropa ng pamahalaan sa mga rebelde.
Sinabi ni Duterte na malaki ang pagkakaiba ng ipinaglalaban ng NPA sa layunin ng mga Moro at ito ay ang pagkakaroon ng patas na bahagi ng kanilang ancestral land.
Dagdag pa ng Pangulo, kanya daw naiintindihan ang sitwasyon ng mga Moro dahil nagmula rin siya sa Mindanao.
Sa huli, plano daw talaga ng mga rebelde na pabagsakin ang gobyerno ng Pilipinas na hindi naman papayagan ni Pangulong Duterte.