INIUTOS | Pondo para sa national feeding program, pinadadagdagan

Manila, Philippines – Pinadadagdagan ni Appropriations Committee Chairman Karlo Nograles ang pondo para sa national feeding program ng pamahalaan.

Ayon kay Nograles, nasa P3.5 Billion ang pondo para sa supplemental feeding program ng Department of Social Welfare and Development habang P5.4 Billion naman para sa school feeding program ng Department of Education.

Mas mataas ito ng P100 million sa pondo na inilaan para sa feeding program ng DSWD at DepEd ngayong taon.


Pero para kay Nograles, hindi sapat ang pondo para sa ganap na pagpapatupad ng national feeding program sa bansa.

Tiniyak ni Nograles na inaaral na ngayon ng kanyang komite kung magkano ang talagang kakailanganin at kung saan kukunin ang pondo para sa national feeding program.

Nais masiguro ng mambabatas na lahat ng mga kabataang Pilipino ay makakatanggap ng sapat na nutrisyon sa ilalim ng RA 11037.

Facebook Comments