Manila, Philippines – Iginiit ni Committee on Economic Affairs Chairman Senator Win Gatchalian ang pagbuwag sa National Food Authority o NFA dahil sa patuloy na problema sa suplay ng murang bigas kaya napilitan na rin ang Zamboanga City na magdeklara ng state of calamity.
Diin ni Senator Gatchalian, nasasayang lang ang pera ng taongbayan sa pagpondo sa NFA na hindi naman nakakatupad sa responsibilidad at maayos na operasyin.
Ayon kay Gatchalian, naging pabigat lang ang NFA sa gobyerno ng magsimulang bumagsak sa 38-pecent ang taunang kita.
Sabi ni Gatchalian, sa kabuuan ay umaabot na sa ₱150 billion ang nawawalang revenue sa NFA simula 2016.
Kinawestyon din Gatchalian, kung bakit umabot lamang sa 40,000 sako ng bigas ang naideliver ng NFA sa Zamboanga City.
Kasabay nito ay kinalampag din ni gatchalian ang Department of Trade and Industry para tuldukan ang napabalitang rice hoarding at profiteering o pagpapataw ng sobrang taas na presyo ng bigas sa Zamboanga City.