Manila, Philippines – Umabot na sa dalawampu’t walong trak ng basura ang nahakot ng Manila Task Force Clean Up at Metropolitan Manila Development Authority na naiwan ng mga lumahok sa prusisyon ng itim na Nazareno.
Sa datos ng MMDA, aabot na sa 98.56 toneladang basura ang kanilang nahahakot simula kahapon.
Kabilang sa mga nakuha nilang basura ay styrofoam, pagkain at mga bote na posibleng ihi ang laman.
Binomba rin ng tubig na may sabon ang Plaza Miranda dahil naging madumi at mapanghi ito.
Ayon kay Manila Task Force Clean Up Leader Che Borromeo – kulang ang mga ipinakalat na basurahan sa prusisyon.
Facebook Comments