Iniwang pinsala ng Bagyong Julian sa imprastraktura, sumampa na sa P1-B

Pumalo na sa halos isang bilyong piso ang pinsalang idinulot ng Bagyong Julian sa ilang rehiyon sa bansa.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa pinaka pinuruhan ang Region 1 o Ilocos Region na nakapagtala ng P378 milyon na pinsala.

Sumunod ang Region 2 o Cagayan Valley na P145-M at P37-M naman sa Cordillera Administrative Region (CAR).


Kabilang sa mga naapektuhan ang flood control, gusali, kalsada at tulay.

Facebook Comments