Pumalo sa P31.7 million ang iniwang pinsala ng Bagyong Lannie sa sector ng agrikultura sa bansa.
Batay sa talaan ng Department of Agriculture-Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (DRRM-OpCen), aabot sa 1,953 magsasaka ang naapektuhan ng bagyo habang nasa 2,084 hectares ng agricultural areas ang napinsala sa Western Visayas.
Bunsod nito, pumalo na sa 1,377 metric tons (MT) ng palay na nawala sa produksyon ng mga magsasaka.
Patuloy naman ang assessment at validation ng Regional Field Offices (RFOs) ng DA sa agri-fisheries sector.
Facebook Comments