Iniwang pinsala ng Bagyong ‘Maring’ sa agrikultura, P1.2-B na; pangambang magkaroon ng food shortage, pinawi ng DA

Sumampa na sa P1.2 billion ang pinsalang iniwan ng Bagyong ‘Maring’ sa sektor ng agrikultura.

Pinakaapektado ng bagyo ang mga sakahan sa Ilocos Region, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region (CAR).

Pero ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar, nasa P3 bilyong halaga naman ng pananim ang naisalba ng mga magsasaka bago pa man tumama ang bagyo.


Kaugnay nito, naglaan na ang ahensya ng P820 million na pondo para tulungan ang mga magsasaka at mangingisda na makabangon mula sa epekto ng bagyo.

Sa nasabing halaga, P170 million ang ibibigay bilang ayuda habang ang P650 million ay ipapautang nang walang interes.

Samantala, tiniyak din ni Dar na hindi magkakaroon ng food shortage kasunod ng mga pinsalang iniwan ng bagyo.

“Wala po… ang gagawin po natin, imo-mobilize po natin from other production provinces na may surplus. Yun, magmo-mobilize po tayo para mapunan yung kakulangan. Dun sa bigas naman, we have enough,” ani Dar sa interview ng RMN Manila.

Facebook Comments